Monday, January 23, 2012

Ako ang Isip Bata



Naiinis ako, sobra!

Wala akong problema sa paghintay ng matagal basta alam kong may hinihintay ako. 05:30 ng umaga, nakatayo, madilim, malamig, inaantok, nag-iisa habang may mabigat na bag sa aking likod dahil sa plano na matulog sa bahay ng isang kaibigan para salubongin ang kanyang kaarawan.  Nagpadala ako ng texts sa mga dapat na kasama ko para malaman nila na nasa lugar na ako ng tagpuan at para malaman ko din kung saan na sila.  Sa kasamaang palad, wala man lang niisa na nag-reply.  Ayan, inis na ako.  Nakakasama lang sa loob na alam na nilang may naghihintay sa kanila, pero parang wala silang pakialam. Kahit isang text message lang upang sa ganun, malaman ko ma lang na may silbi pa ang pagtayo ko dun (walang maupoan, basa sa hamog o ulan ata).  Baka mga walang load, sige, pwede ibaliwala ang inis. Hinga lang. Sound trip. Sige lang pero sabi ng hindi masyadong mabait na ako, alam naman nilang may importateng lakad, sana naman nag-effort na magpaload kahit pantext man lang sa mga kasama.  Pero nangibabaw pa rin si mabait na ako.  Chill lang kahit naiinis.

Nang may dumating na, tawa-tawa lang.  Be civil ba, pwede na ang smile ng naiinis.  Tamang paduda.  Nilabas ang cellphone, nagtext.  Anak ng tinapa, may load naman pala.  Allergic magtext sakin?  I feel so insignificant, unworthy of a text message.  Bad trip na ako.  Sira na ang mood.  May dumating, wala na akong pakialam.  Basta gagawin ko na lang ang dapat kung gawin at para makapunta na kila Mami at i-celebrate ang kanyang birthday!  Dun na lang ako excited.

Wala naman ako karapatang mag-demand.  Volunteer lang ako, sila talaga ang proponents.  Wala naman sakin pumilit.  Wala naman sakin nagsabi na sumama sa halip na magpahinga dahil sa stressful na week na kakatapos pa lang at mga darating pa, piliin ang pagsama sa kanila kesa samahan ang aking BOSS para sa aming 2nd Monthsary at tulongan na din sa interpretation ng kanilang thesis at gamitin ang natitirang pera dahil delayed pa rin aming sahod.  I sacrificed a lot for them but what did I get, judgment saying na ako ang isip bata, ako ang over sensitive, I isolate myself.  Fuck!  I am pissed off! Big time!  *sniff *sniff.

I isolated myself, yes.  I don’t want to act fine because I am not.  I don’t want to say anything because I don’t want to totally ruin their mood.  Ok lang yung sakin kasi panis na mood ko kanina pa.  Pero hopeful pa rin na mababago ito ng lugar na pupuntahan kasi may dagat daw.  Exciting, marerelax nito ang utak ko.  I am a nymph, a mermaid.  Parang bida lang sa Diary of a Nymphomaniac.

Yun, pagkatapos ng masakit sa pwet na byahe tapos sabayan pa ng mga hindi kaaya-ayang amoy, may nakita akong dagat, YEHEY!

Kumain, nagdata gathering, island hopping with Jade at nakakatuwang pag-aasta reporter ni Yanie.  Ok na.  Medyo wala na yung inis ko.  Tapos hindi ko alam kung off lang talaga humor ko nun at di ako natuwa sa joke nila kay Yanie na tinago ang tsinelas.  Ikaw kaya maglakad sa buhangin at batohan na walang sapin sa paa? Masakit kaya yun.  Hindi yun Boracay na fine ang sand.  Makitid lang ata utak ko.  Ako ang isip bata. Over sensitive ako.  Hindi kasi ako natutuwa sa joke na nakakasakit.  Pikon ako pag may joke inflicting physical pain.

Anyway, chill lang ulit.  Makakapunta na ako sa bahay nila Mami!

Sakay sa jeep, tamang pikit, pahinga ng konti.  Ayun, nagpara na mga kasama.  Barabaan portion.

Natuwa ako, nakita ko si Mami, tapos pumasok kami sa bahay, takbo ako sa sofa! Yes! Nakahiga na din.  Nakakapagod yung data gathering.  Kwento-kwentohan.  Nakikitawa na ako sa kabaliwan ni Yanie!  I won’t spoil Mami’s birthday!  Yun sabi ko sa sarili ko.  Nagsabi na ako na ma-make up kami para salubongin ang Chinese New Year at kanyang birthday.  Naghanap na din ako ng disco ball.  Sige. Kwetohan, tawanan sila.  Sountrip lang ako. Gusto ko magpahinga, matulog para pag-gising ko, wala na init ng ulo ko.

Imagine, all of a sudden, naglabasan para umuwi.  Fuck!  Kami lang daw ni Jade ang sure na matutulog dun.  Iwanan na ere?!  Gusto ko itapon ang lahat ng hawak ko nun.  Kaso nakita ko, cellphone ko pala yun, sayang.  Tapos respeto sa lugar ni Mami.  Naiinis na talaga ako ng bongga.  Sumakit bigla ang ulo.  Biogesic to the rescue.  Naiinis ako.  Naawa kay Mami.  Nagsabi na sya sa parents nya, ok na daw yung handa, umasa ang birthday girl.  Ako ang isip bata.  Ako ang over sensitive.  Ako ang isolated. 

Ayon. May jeep na.  Ang saya nila, makakauwi na.  I’m the first one to ride the jeepney.  I did not kiss goodbye to Mami.  I can’t bear to see the disappointment in her eyes.  Maulan, nag-shades ako.  Where’s the sun?  Nasa ulo ko.  Sa sobrang init gusto ko na umiyak.  Kaso beauty queen ako, grace under pressure.  Bawal umiyak.  Ang umiyak, talo.  Pagdating Polangui, with my headphones on and a little bit of rain, bumaba sa jeep, rampa! Diretso walkout.  I did not dare to look back.

I decided to walkout because I can’t stand their immaturity and insensitivity.  Nakasakay na ako sa bus.  Aircon, mainit na ulo ko, wag na dapat sabayan ng mainit na temperature.  Hinabol ako.  I’m touched in a way.  Tinatawag ata ako or pinapababa.  Ewan.  Hindi ko maintindihan kasi nakaheadset ako.  6 ang volume.  Maximum nya 7, kaya pala pagdating ko Legazpi, medyo bingi-bingi ako.  Kaso, imagine, nagtanong pa via text ng “anyare???”  Anyare your face!  Nagtanong pa!  Manhid lang?  Ako ang isip bata, over sensitive and I isolate myself.  Lumayo na lang ako kasi I don’t want you to feel my wrath.  I exposed my wrath once and it needed the principal to settle the issue.  I’m Jean Grey-Summers a.k.a Dark Phoenix from X-Men.

Sorry for the trash talks but this is a genuine concern for your immaturity.  You get hurt when people say that you are immature.  I do too.  Who wants to get called immature?  None.   You get hurt because you can’t accept that it’s true.  You are hurt when you are reprimanded.  I don’t want you to say sorry.  I want you to grow up.  If growing up will cause us our friendship, I will be the sacrifice lamb.  Seriously, your immaturity concerns me.  I kept my silence regarding the issue because I believe that you can figure it out yourselves, I was wrong.  You're just justifying your immaturity to convince yourselves that you are matured people.  You don't change because you don't see the need to change due to your false thinking.  Sino bang baliw ang nagsabing baliw sila?  I don’t want your potentials get wasted by your immaturity and hardheadedness.  I have never used my seniority in our friendship, but this time, I can’t tolerate it anymore.  You’ll soon to get on tour then, FI.  Eventually, be RSWs.  I don’t think you are ready for that.  You all need to grow up fast.  Fluctuating maturity will do you no good.  I know I am not that matured yet, but I’m struggling to be one.  Maturity requires us to do difficult things.  More often than not, those are the things that we are not that delighted to do.  But that’s just in the transition stage.  You’ll soon get over that.

Respect people.  Respect time.  Most importantly, respect yourself.

Respect people.  Kabastosan sa tao na naghihintay na magpahintay tapos ni wala man lang kayong abiso.  If you care for that person, you would at least inform.  Kung ma-lalate kayo sabihin nyo.  Mahiya man kayo, pangatawanan nyo kasi consequence yan ng actions nyo.

Respect time.  Time management is a fallacy.  You can’t manage time.  Time is an entity of nature that is beyond the control of anyone.  What you need is self-management.  Manage yourself to fit with the demand of time.

Respect yourself.  Basic, need not say more.

I need to write it.  I can’t say it to you in person because I am not so mabait as of the moment.

Ako ang isip bata.  Over sensitive ako.  I isolate myself.

No comments:

Post a Comment