Friday, February 25, 2011

Tampo


Sanhi ng tatlong araw na pakikipagbuno ko sa mga malalalim na Filipinong salita na binibitiwan nina Ka'Lito, Ka'Larry at Ka' Paul, pinili kong gamitin ang wikang ito sa blog na ito.

Malaki ang pagkakaiba ng hindi nakasama dahil sa hindi ginusto sa hindi nakasama dahil hindi inimbeta. Mas masakit ang nahuli. Nasaktan talaga ako ng gabing yun ng nalaman ko na nagkaroon pala sila ng konting kasiyahan at hindi man lang ako sinabihan. Hindi sa ipinagsisiksikan ko ang aking sarili, pero akala ko isa kami. Hindi maalis sa aking isipan na baka di nila ako gustong makasama. Nakakalungkot.

Ang hindi ko pagpaparamdam sa texts, hindi pagsama sa pagsimba at hindi ko pagbibigay ng mga komento sa facebook ay aking paraan ng pagpaparating ng aking nararamdaman, subalit parang hindi nila ito nararamdam.  Napakasakit.

Sila ang nagpupuno ng kalungkotan ko nang ang LOSERS and DYOZAS ay hindi na madalas nagkakasama-sama dahil sa trabaho. Sila ang nagpawi ng sakit na naidulot sakin ng bigong pag-ibig. Ngayon, sila ang sanhi ng sakit sa aking dib-dib. Nakakapanglumo.

Ayam ko na lang isipin ang mga nangyari dahil ako lang ang nasasaktan dahil parang hindi man lang nila alam na ako'y may dinaramdam. Gusto ko na silang makasama pero may pumipigil sa akin. Nakakamiss.